BEST FRIEND

Best friend? Matalik na kaibigan? Maaaring iba-iba ang depenisyon natin sa salitang ito. ‘Yung palagi mong nasasabihan at nakukwentuhan ng mga masasaya at malulungkot na nangyayari sayo. ‘Yung nakakasama mo sa mga gala, sa pagkain, sa paglalandi, sa pang-aasar at higit lalo sa lahat sa panahon ng panlalait. Kadalasan masasabi mo na best friend mo na ang isang tao kapag parehas kayo ng trip, nagkakasundo kayo sa lahat ng bagay o di kaya nama’y parang magkapatid na yung turingan nyo sa isa’t isa pero para sa akin kahit nakatagpo na ako ng mga ganitong kaibigan parang hindi ko pa rin sila maconsider na best friend, hindi ko alam ‘yung tunay na dahilan pero ang alam ko lang di pa sila yun. 

Wala naman akong pamantayan para masabing ikaw o siya na ba ‘yung IDEAL best friend ko, ang tanging batayan ko lang ay ‘yung aking PANG-AMOY. LOL Pero honestly para sa akin mafefeel ko naman iyon kung ikaw na ba talaga ‘yung hinahanap ko. Kung ikaw na ba ‘yung FOREVER best friend, para sa akin kasi pag naging best friend kita, siguradong hanggang langit na yung samahan natin.

Umaasa at naniniwala naman ako na malapit na siyang dumating kasi matagal tagal ko na rin siyang pinagdarasal. Si PAPA GOD kasi mali yata ‘yung na ibigay na address ‘yun tuloy parang naligaw pa yata. Pero sa ngayon si pareng notebook muna ‘yung BEST FRIEND KO. ;))