videokeman mp3
God Gave Me You – Bryan White Song Lyrics

Sa sobrang sama ng panaginip ko, hanggang sa pag gising ko tumutulo pa din ‘yung mga luha ko. :(

PAOS

gustong mapaos para di ku na kelangan sabihin sayo, ipaparamdam ko na lang :)

Alam mo ba kung saan yung kiliti ko? Hindi mo talalga yun mahahanap dahil nandyan yun, sa mga NGITI MO. ;))

Just because I’m not talking, that doesn’t mean I’m in a bad mood. Sometimes I just like being quiet.

Reblog kung College ka na sa pasukan. :”)

10 ways to Survive in College.

1. Pumasok sa first day of class. Wag mong isipin na first day naman, baka wala ring gawin. Essential ang first day ng College. Kung ayaw mong mamulala sa mga susunod na araw, pasukan mo to. Eto ang araw na maghahanap ka ng rooms, subjects at may mga ilang prof na magpapakilala na, may mga istriktong prof na nagagalit sa mga estudyante na wala sa unang araw, kaya babala.

2. Huwag susugod sa giyera ng walang dalang armas. Huwag na huwag kakalimutan ang pinakaimportanteng gamit ng isang college student: ang Ballpen. Kung nung highschool ay puno ang bag mo ng 9 na notebooks, pencil case, crayons, pantasa, gunting, libro. Sa college, Ballpen at binder lang ang tanging kelangan mo. Ay, isa pa pala wag na wag kang magpapawala ng yellow pad. Dahil kung problema sa highschool days ang papel, ganito rin sa college. Para mabawasan ang mga buraot sa mundo, simulan mo na ng pagkukusa, Magdala ka. tatlo dos lang ang yellowpad sa tindahan nila Aling Idad.

3. Mag take-down notes. Para diyaan ang ballpen at binder na dala mo. Wag gawing palamuti sa bag. Gamitin. Wag tumunganga sa prof, isulat habang nakikinig. Wag mong gayahin yung mga naggagaling galingan na nakaprente lang sa prof dahil sila rin ang mga taong nagkukumahog manghiram ng notes kapag may nagaganap na pop quiz.

4. Maghanap ng tambayan/aralan. Hindi naman maghapon ay nasa loob ka ng classrooms. May break din, kaya kung malapit ang bahay o may dorm na tinutuluyan, doon nalang tumuloy para iwas gastos. Kung malayo ay maghanap ng mura at komportableng lugar na matatambayan, pwedeng doon ka na rin mag-review kung gusto mo.

5. Unahin ang mga subject na nahihirapan ka. Kung nahihirapan ka man sa isang subject (o dalawa o tatlo) Yun ang unang pagtuunan ng pansin, at pag-aralan. Siguraduhing, fresh at nasa huwisyo ang utak pag pag-aaralan para hindi sayang ang oras at effort mo dahil kung nagrerebyu ka ng wala sa mood ay walang papasok sa utak mo. Kung nahihirapan ka talaga, maghanap ka ng taong marunong sa subject na yun at magpaturo. 

6. Maki-mingle, single man o hindi. Makipagkilala sa ibang tao. Pwera nalang kung loner ka at mas gusto mong mag-isa, pero kung hindi, makipag socialize ka. Maghanap ng kaibigan na totoo at laging maasahan. Yung nandyan kahit anong panahon. Wag yung parasite na magaling lang sayo pag mabango ka. Wag kakaibiganin ang mga alam mo namang wala kang mapapala, kung gusto mong makatapos ng pag-aaral. Pumili ng tamang kaibigan.

7. Be yourself. Oo, ang gasgas na linyang be yourself. Be yourself, unless you’re a loser be someone else. Dejoke. Wala kang mapapala kung magpapanggap kang bilang ibang tao. Maaring magustuhan ka nila pero hindi bilang ikaw kungdi ang pinagpapanggap mo. Mas magandang magustuhan ka ng mga tao bilang sarili mo at di sa ini-impersonate mong tao.

8. “Maging estudyante ng iyong paaralan” Gamitin mo naman ang resources sa school na iyong pinapasukan. Bisitahin paminsan-minsan ang library, computer labs etc. Kausapin ang mga prof na nakikita mo outside campus, wag lang sisipsip. Wag yung pumapasok ka lang sa school at sa classroom lang ang alam mo. Parang bansa lang din yan na tinitirhan mo. Mahalin ang eskwelahan.

9. Magbigay ng oras para sa pag-aaral. Para maiwasan ang cramming tuwing exams, maglaan ng oras para sa pag-aaral. Yung mga panahong wala ka namang ginagawang produtikbo ay magbasa basa ng notes. Mas maganda ang may schedule, kung hindi every weekends okaya naman tuwing gabi bago ka matulog. Iwasan ang caffeinated drinks e.g kape, softdrinks, energy drink bago o pagkatapos mag-aral.

10. Maglaaan ng oras para sa sarili. Hindi rin namang magandang puro aral aral na lang. Baka masiraan ka ng bait kapag ganun. Magkaroon din ng oras para sa recreation. Wag lang din yung sobra. Maglibang paminsan-minsan pero siguraduhing tapos na ang lahat ng gawain para maiwasan ang paghahabol.

- nagfefeeling nakapagcollege na. nakita ko lang yan sa fb. :)

Sometimes the best revenge is to smile, move on, and do nothing. :)

Alam mo ‘yung masakit?

“yung malaman mong pinaasa ka lang pala ng taong akala mo MAHAL KA. >.<

Bad morning ><

Bakit ba hanggang sa panaginip sinusundan mo ko? Nakakaasar ha. Di ka na nga pinapansin pati ba naman sa panaginip ko magpapapansin ka pa rin. Walang duda, bad person pa rin ang role mo hanggang sa panaginip ko. Pwede ba tigil tigilan mo na ko, huwag mo na sana hintayin ‘yung araw na kalimutan ko pa na naging magkaibigan tayo. haist

BEST FRIEND

Best friend? Matalik na kaibigan? Maaaring iba-iba ang depenisyon natin sa salitang ito. ‘Yung palagi mong nasasabihan at nakukwentuhan ng mga masasaya at malulungkot na nangyayari sayo. ‘Yung nakakasama mo sa mga gala, sa pagkain, sa paglalandi, sa pang-aasar at higit lalo sa lahat sa panahon ng panlalait. Kadalasan masasabi mo na best friend mo na ang isang tao kapag parehas kayo ng trip, nagkakasundo kayo sa lahat ng bagay o di kaya nama’y parang magkapatid na yung turingan nyo sa isa’t isa pero para sa akin kahit nakatagpo na ako ng mga ganitong kaibigan parang hindi ko pa rin sila maconsider na best friend, hindi ko alam ‘yung tunay na dahilan pero ang alam ko lang di pa sila yun. 

Wala naman akong pamantayan para masabing ikaw o siya na ba ‘yung IDEAL best friend ko, ang tanging batayan ko lang ay ‘yung aking PANG-AMOY. LOL Pero honestly para sa akin mafefeel ko naman iyon kung ikaw na ba talaga ‘yung hinahanap ko. Kung ikaw na ba ‘yung FOREVER best friend, para sa akin kasi pag naging best friend kita, siguradong hanggang langit na yung samahan natin.

Umaasa at naniniwala naman ako na malapit na siyang dumating kasi matagal tagal ko na rin siyang pinagdarasal. Si PAPA GOD kasi mali yata ‘yung na ibigay na address ‘yun tuloy parang naligaw pa yata. Pero sa ngayon si pareng notebook muna ‘yung BEST FRIEND KO. ;))